Black Sheep

I'm sorry. Sorry kasi ako yung black sheep sa family. Ako yung kahihiyan. Ako yung walang ginawang tama. Oo, alam ko, ramdam ko na sobra yung disappointment nyo nung nagdesisyon akong huminto muna sa pag-aaral. Sarili ko lang ang dapat kong sisishin kasi desisyon ko yun. Binigyan nyo ko ng chance para magpalit ng course, hindi ko magawang tanggapin kasi gusto ko yung Architecture pero takot parin ako. Takot parin akong punta sa school. Feeling ko mag-isa lang ako kahit marami naman akong kaibigan. Ang hina ko kasi hindi ko kaya yung ganung pakiramdam. Ang tanga ko kasi nagpatalo ako sa takot na yun.


Pagod na pagod ako nung time na yun, ang daming problema. Maski maliit lang na issue pinapalaki ko. Sabay sabay, school, plates tapos problema pa sa bahay na wala akong mapagsabihan. Wala akong masabihan nung mga time na yun. Mga gabing walang tulog. Ang bigat. Feeling ko pinasuot ako ng korona na sobrang bigat. Ate ako kaya dapat ako mag take ng responsibilities, kaya dapat maasahan ako.


Ginawa ko naman lahat well siguro hindi sapat yung mga yun. Lahat kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ganito.


"May naitulong ba siya (referring to me)? Kalokohan. Ni wala pa akong tulog tas yan isasalubong sa akin?


"Sabihin mo lang kung may mapapala pa kami sayo?" Masakit. Mas masakit pa sa mga break ups na napagdaanan ko. Haha. Pero dahil kasalanan ko naman kaya nasasabi nyo yun kaya sige palagpasin natin. Tinggap ko lahat at patuloy kong tinatanggap yung mga ganyang salita na binabato niyo sa akin.


"At least matalino" "at least nag aaral.." Oo alam ko nagstop muna ako pero bakit ba lagi nyong pinapamuka? Laging sinasampal sakin yan. Nagsisisi rin naman ako sa desisyon yun.


Noong nasa Dubai na kami ni kath kath para makasama kayo. Gusto kong magsabi ng problema pero natakot ako. Kapag pinapakilala niyo kami sa mga kakilala niyo ewan ko pero iba yung pakiramdam ko. May disappointment akong nagpifeel. Kahiya hiya naman kasi talaga e. Tahimik lang kayo, di kayo niyo binuksan yung topic na yun. Siguro one time lang. One time lang kasi ramdam nyo di ko matatapos ang college, at handa na kayo dun. Kung di nga ako makapagtapos di na kayo magugulat kasi expected niyo na.


Yung mga gabing gising na gising pa ako, na sa araw tulog na tulog tinanong niyo kko bakit di ako natutulog sa tamang oras. Ayoko ng confrontation. Gusto kong mag isa.


Kahit na hindi na ako nagaaral ginawa ko parin yung mga utos niyo. Pag ayos ng mga document papers namin ni kath kath na kahit nagkaka anxiety na ako sige parin. Kapalit ng maling desisyon ko.


Yung pag papagawa ng bahay. From anxiety to depression. Dito. Dito na nagsimula lahat. Siguro napapaquestion na kayo kung kaya ko nga talagang maging architect kasipalpak lahat. Itong bahay na to ang nagpapaalala lahat sakin.


Sobrang sakit ng mga salitang binabato niyo sakin. Yung mga criticism ng ibang tao, oo yung mga labor yung sinasabi nila pero sure sa akin yung reflect ng kamalin nila kasi ako yung nag babantay. Nagaral ako ng architecture pero wala akong nagawang tama sa pagpapagawa ng bahay. Ni isa wala. Bawatt sulok may mali. May alam ako sa mga plano sa mga measurement pero wala akong alam sa construction.


Lahat ginawa ko para kahit papano maging proud parin kayo sa akin pero di yun matutumbasan ng kahit ano. Hindi niyo naman kailangan ipamukha sakin yung mali ko kasi aware ako. Ang hirap lang na walang nagtitiwala sa akin. Sa simula palang alam ko ng wala kayong tiwala. Pagtungtung ko palang ng college alam ko naman na wala lang yung pagtake ko ng architecture.


Sorry kung di ko kayang pantayan yung level ng mga pinsan ko. I'd tried. Kababae kong tao ako yung pinakakulelat. Bawi nalang kayo kay Kath Kath.


I’m sorry for not being the daughter you’ve always wanted , I know you're both disappointed in me but please just let it pass.

Comments

Popular Posts